(Carmela’s POV) “Carmela.” Nakangusong nilingon siya ni Zyrene. Muntik na tuloy maibuga ni Carmela ang kapeng hinihigop niya. Mabuti na lang din at hindi na iyon masyadong mainit kaya nalunok niya na. Natatawang ibinaba niya ang tasa ng kape sa lamesa. Kasalukuyan silang nasa labas ng bahay at nakaupo sa upuang nasa labas ng bahay niya. Tinitingnan nito ang sketches ni Architect Asistores at and layout drawings ni Engineer Jansen. Pero kanina niya pa din napapansin ang pag kunot ng noo nito at ang paminsan minsang pag haba ng nguso nito. “Bakit?” Ngumuso ulit ito at tumingin sa hawak nitong blue print at sketches. Pagkatapos ay i-aangat ang mukha para ngumuso ulit sa kanya. Natatawang inusod niya ang upuan palapit sa upuan nito para matingnan ang hawak nito. Th