Huminga si Zyrene ng malalim. Saglit na dumaan ang mga mata niya sa mangkok na ubos na ang laman. Tapos na siyang kumain. It’s now or never. Siguro nga kailangan niya iyon para may lakas siyang tumingin sa mga mata ni Carmela. Huminga muna siya ng malalim. “Noong una kitang nakita sa t.v. I never thought I will meet you in real life. I never even knew you existed before the report. Basta ang alam ko lang. Ang dad ko ay may illegal mining na ginagawa para sa kumpanya. And that he had people killed. Lalo na ang mga sagabal sa plano niya. Your dad....... he was unto something. Kaya pinapatay siya ng ama ko. I’m sorry Carmela.” Saglit siyang tumingin dito para pag masdan ang reaksiyon nito but Carmela is looking at her intently. Ngumiti ito. It seems like she was encouraged to sp