“GOOD morning!” Bati ni Shalee sa lahat ng lumabas siya sa balcony ng bahay niya. Napapikit siya habang nag-iinat at dinama ang may halong kaunting init na simoy ng hangin na humahampas sa balat niya. It was an ordinary morning for her in Valencia but she'll make it extra different today. Para hindi maging boring, magbabike siya pagkatapos dadaan sa paborito niyang bilihan ng mga gamit sa pambake. She decided to bake four different kinds of cake today. Ibibigay niya iyon sa orphanage na palagi niyang pinupuntahan nitong mga nakaraang araw lang. Ilang linggo na siya namamalagi sa Valencia nang madiskubre niya ang orphanage na iyon. Ngayon kapag wala siyang ma-i-design, doon siya nagpapalipas ng oras tapos sa gabi na nagta-trabaho. Alam niyang nasa Barcelona ang mama niya pero hindi pa sila

