Busy si Euricka sa paghahalo ng salad na ihahanda nya mamayang Noche Buena. Napakabilis talaga ng panahon at hindi nya namamalayan na mag-iisang buwan na pala sya sa Aplayang Munti at sa piling ni Jacob buhat ng makabalik sya galing US. At ngayon nga, gumagawa sya ng pwede nyang ihanda para mamaya sa pagsalubong nila sa pasko mamayang midnight. At hindi nya mapigilang kabahan na may halong excitement sa regalo nyang ibibigay sa binata. Sa nakalipas na mga araw lalong lumalim ang relasyon nila ng binata. Nakikita at nadadama nya ang nag-uumapaw na pagmamahal galing dito sa araw-araw na lumilipas. Napaka-thoughtful nito, sobrang sweet, caring at lahat ng magandang katangian na hinahanap nya ay nasa binata na. Pero hindi mawawala ang pagiging mahilig nito na sa tingin nya ay naging normal na

