WDBHG 59 She can't shake that feeling off. 'Yong tipong may nakatingin na naman sa kanya pero kapag lumilingon siya ay wala naman. Hindi tuloy siya makapag focus sa sinasabi ng kasama niya. "Tapos, anong nangyari?" Tanong niya kay Steve. She's with him. Day off daw nito sa trabaho kung kaya niyaya siya nitong mag-date. Hindi niya maintindihan kung bakit okay lang sa kanya na lumabas kasama si Steve kaysa kay Rafa, pero mas kumportable siya rito. Rafa always gives her butterflies. She likes butterflies pero kapag magkasama sila ni Rafa, those butterflies has the ability to get her naked. And when she's naked, may mangyayari. With Steve? Para lang siyang lumalabas kasama ang kaibigan niya. And he became her friend. "Ayun, in the end natuloy rin naman 'yong deal." Natatawa na lang na sabi