WDBHG 71 "Andrew," alam niyang gising ang binata kahit na nakapikit ito. He was faking it. Nakita niyang gumagalaw ang pilik-mata nito habang nakatingin sa kanya. Kampante naman si Steffi na hindi siya magagawang sunggaban ng lalaki. Nakaposas ang kamay nito sa bakal sa gilid ng kama kung kaya alam niyang ni hindi nito magagawang tumayo man lang sa kama. "I know you're awake." Nagmulat ito ng mga mata at tinitigan siya. Steffi saw him smirk. Bakas na bakas sa mukha nito na kilala nito si Steffi ngunit nag iba ang itsura nito. Biglang kumunot ang noo nito at tila hindi alam kung sino si Steffi at kung nasaan ito. "Sino ka?" Maang na tanong nito. Sinubukan ng lalaki na tumayo at tila takot na takot sanang uurong para makalayo kay Steffi ngunit napigilan ng posas ang paggalaw niya. Napatin