WDBHG 55 "Kanino na naman galing ito?" Tanong ni Steffi kay Livi matapos niyang pumasok sa opisina niya at salubungin ng ilang dosena na namang bulaklak. "Ang alin-" natigilan rin ito sa pagsasalita matapos makita ang loob ng opisina niya. "Hindi ko alam Miss Steffi, kakarating ko lang din." Sabi pa nito sa kanya. "Call security. Tell them to check the CCTV footage since Saturday." Kalmadong sabi ni Steffi kahit sa totoo lang ay kinakabahan na talaga siya. Hindi na ito nakakatuwa o nakakakilig. It was creepy. Lalo na't walang tao sa opisina niya at siya lang at silang dalawa lang ni Livi ang may susi doon. "Yes, Miss Steffi." Agad na umalis si Livi para gawin ang iniutos niya. Pag alis nito ay nanginginig siyang naupo sa couch sa labas. Bago siya magreact, kailangan niya munang mag isi