WDBHG 68 "Can I see him?" Halatang nagulat si Steve matapos niyang sabihin na gusto niyang makita si Andrew. Ito ay matapos ipaliwanag sa kanya ng lalaki ang motibo kung bakit iyon nagawa ni Andrew at kung bakit siya ang naging biktima. "Hindi mo naintindihan 'yong sinabi ko, Steff? Na delikado siyang tao? Na he's a serial killer at may possibility na kapag nakalapit siya sa 'yo, pagbantaan niya na naman ang buhay mo?" Nakasimangot nitong sabi sa kanya. Pangatlong araw niya na sa ospital at ngayon niya lang nakausap ng masinsinan si Steve. Sinabi rin nito sa kanya ang lahat ng detalye tungkol sa kaso at alam niya na rin na nasa ospital rin ang gumawa sa kanya nito. "Naintindihan. Pero gusto ko rin siyang intindihin. I wanted to understand him para maipaintindi ko rin kanila daddy ang si