WDBHG 84 Ito ang pangalawang beses na panonoorin ni Steffi ang pagdinig sa kasong kinasasangkutan ni Andrew. Hindi naman kailangang pumunta ni Steffi ngayon para manood. She's got a lot of better things to do. Pero gusto niyang makita ang development ng kaso. Hindi niya hahayaang magkaroon ng pagkakataong makalaya o mabawasan man lang ang magiging sintensya nito lalo na't sinusubukan nilang palabasin na wala sa tamang pag iisip si Andrew. That he needs to be admitted in a mental institution rather than being jailed. Matibay ang mga ebidensya laban sa lalaki pero alam niyang tagilid sila dito. Noong unang araw kase na tumayo siya at tumestigo laban sa lalaki, ramdam niya nang pumapanig kay Andrew maging ang judge ng kaso nito. Nagpakita ulit ngayon sa korte ang tatay ni Andrew at totoo ng