WDBHG 89 "Oh, Esteban. Finally, you're here." Nakangiting bati ni Mr. Araullo sa bagong dating na naging dahilan para sumimangot si Rafa. Bakit parang mas warm ang pagwelcome nito sa lalaki kaysa sa kanya? Hindi ba't kanina lamang ay kulang na lang sabihin nitong napakagandang lalaki niya? "Sorry, Sir. May emergency lang sa presinto." Nakangiting sagot nito. "It's okay, we know you're busy at kung tutuusin, hindi mo na dapat ginagawa ito." Sagot ni Mr. Araullo. Ng future father-in-law niya. "Anything for Steffi, Sir." At nagawa pa nitong tumingin sa paligid sabay ngisi ng nakakaloko. Hindi tuloy alam ni Rafa kung siya ba ang inaasar nito o si Rylie na nakaupo rin malapit sa kanya. Either way, hindi niya gusto ang pagiging malapit ni Esteban kay Steffi. Alam niyang nangyari kay Esteban