"Guys! Nasa Lobby na si Hailee!" Tumatakbo si Trevor papasok ng Condo ni Hailee. "Aww paano yan wala pa si Lance??" Nag aalala si Gavin dahil naunahan pa ni Hailee si Lance kaya naman tinawagan niya ito "Hello Lance San kana? Paakyat na si Hailee!" Alam ni Gavin kung gaano pinagpuyatan ni Lance ang second proposal nito para kay Hailee. Sa kanilang tatlo alam niyang si Lance ang may Pure Heart sakanila na mula pa ng makilala nito si Hailee hindi na tumibok sa ibang babae ang puso nito. Nag sasawa na nga sila sa bawat kwento ni Lance dahil puro tungkol kay Hailee lang ang kinukwento nito. Mula pa noon alam nilang lahat na Mahal na mahal ni Lance si Hailee. Walang minuto o segundong sumuko ito para sa babae kahit pa napakahirap ng pinag daanan ng dalawa. Ika nga (You and Me against the