"Walang gayuma yan.. Kainin mo na please?" Nakasimangot si Hailee dahil ayaw kainin ni Lance ang niluto niyang Adobong babuy. Umiling lang ito.. Kakatapos lang nitong maligo kaya basang basa pa ang buhok nito. Nakaupo sila ngayon sa kusina at kumakain ng Lunch. Pero ang mokong ayaw tikman ang luto niya! Kinakain lang nito ang inorder nitong pizza sa yellow cab! "Hmmmp!" Kumuha si Hailee ng Towel at lumapit siya kay Lance upang punasan ang buhok nito. Medyo nagulat ito sa ginawa niya. Namula ang pisngi nito "Sige na please? Tikman mo naman? Marunong nako mag luto. Pinag practisan ko talaga yan sa Canada para pag balik ko sayo marunong nako magluto--" "What? Pag balik mo sakin? So you really want to start over? Kahit nung nasa Canada ka pa?" Napataas ang kilay ni Lance sa kanyang sinab