Kakatapos lang kumain ng Dinner ni Lance at Hailee. Eat all you can ang food nila. Kasama iyon sa package ng speed boat island hoping. Nasa pangatlong Island na sila. Ang ikalawa nilang island na pinuntahan nag Snorkling sila. sumisid sila sa dagat at madaming maliliit na isda silang nakita. Ngayon kakatapos lang nilang mag hapunan , Madilim na ang paligid. Naisipan nilang maglakadlakad muna. Mabuti nalang at may dala silang extrang damit. Mabuti't Nakapag palit sila ng damit dahil basang basa sila kanina.. Hinahangin ang dress na suot ni Hailee, Pang summer talaga ang dress niyang kulay asul.. Na may design na Flowers na maliliit. Nakakulay Asul din na tshirt si Lance, Mukhang tinernohan nito ang damit niya. Nakita siguro nito kanina ang pagimpake niya ng damit "A..Ano ng balak mo