Hindi alintana ni Hailee na pinag titinginan siya dahil sa suot niyang Black Lacey Night dress. Halos lahat ng lalaki napapa Wow sa kanyang itsura. Ang mga babae naman napapa irap sakanya. "Nurse pwede magtanong? saan dito yung Coffee shop?" tanong ni Hailee sa isang nurse na nakasalubong niya. Nanlaki ang mata nito habang nakatingin sakanya "D..Doon po Ma'am" Ito pa mismo ang nahiya para sakanya napayuko ito "Salamat Nurse.." Lakad takbo ang ginawa niya upang makarating sa Coffee shop. Pag pasok niya palang sa Coffee shop halos lahat ng tao naagaw niya ang atensyon. Hinanap niya agad si Lance.. Pero hindi niya ito makita. Naglakad lakad siya sa loob ng coffee shop hangang sa nakita niya si Lance sa pinakadulo. Parang VIP place iyon sa loob ng coffee shop. May kasama itong dalawan