Walang nagawa si Hailee ng pauwiin siya ni Apple Joy. Nalaman pala nito kung nasaan siya dahil sa kanyang mommy Marites. Ngayon kararating niya lang sa Pilipinas. Tinangal niya ang shades na kanyang suot suot. Huminga siya ng malalim bago bumaba ng eroplano. Welcome back myself Mapait siyang ngumiti.. Hindi niya akalain na babalik pa siya ng Pilipinas. Pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Lance wala na siyang balita dito "This way Ma'am" Nginitian siya ng isa sa mga body guards na sumundo sakanya sa Airport. Isa ito sa mga body guard ni Trevor. Dederetso siya sa Mismong venue ng kasal ni Apple Joy at Trevor. Hindi kasi siya pumayag na magtatagal siya sa pilipinas. Gusto niyang mismong kasal lamang ng mga ito siya pupunta. Pagkatapos babalik na agad siya sa Quebec Canada Habang nasa