Chapter 22 Pagkatapos ng Kasal ni Gavin at Carol hindi na nakita ni Hailee si Lance.. Hangang sa bumalik sila sa Manila hindi na niya ito nakita dahil nauna na daw itong umuwi sa manila at hindi sumabay sa kanila. Kinabukasan Lunes... "Oh s**t!" Napabangon si Hailee dahil 11AM na siya nagising! Paano 4am sila dumating ng Manila mula sa Singapore kaya ngayon lang siya nagising! Nagmadali siyang maligo at patakbo siyang bumaba sa kanilang bahay. Nakasuot lang siya ngayon ng Shorts at plain black tshirt sa sobrang pagmamadali niya. Tinernuhan niya nalang ng black converse rubber shoes. "Anak bakit nagmamadali ka? Nakaleave ka naman ngayon diba?" Tanong ng Mommy Marites niya sakanya at hinarang siya nito "M..Mommy kailangan kong habulin si Lance!" Nanlaki ang mata ni Marites sa sinab