"Can we eat first?" Napatingin si Hailee kay Lance habang nag dadrive ito. Halatang nagkakahiyaan silang dalawa mula pa sa Simbahan. Malakas ang ulan kaya medyo trapik na.. "S..Sige Libre mo?" Biro ni Hailee kay Lance Hindi maisip ni Hailee kung bakit siya ngayon nasa loob ng kotse ni Lance at hinahayaan itong ihatid siya. Sa isang buong taon na hindi ito nagparamdam sakanya akala niya galit na galit siya dito, akala niya pag nakita niya ito sasampalin niya ito at sasakalin! Pero bakit nagpapakafriendly pa siya dito ngayon? Para bang wala itong ginawa sakanya.. Tila ba hindi siya nito iniwan sa ere.. Para bang nabura lahat ng mga kasalanan nito sa kanyang puso sa isang iglap.. She tried to be Mad at him pero excitement lamang ang tanging nararamdaman niya. "Hmm Lutu'an nalang kita?"