Isang linggo matapos gawin ni Francine ang pangkikidnap kay Erwan, pumunta sa bahay si Franco para humingi ng tawad, kasama niya si Francine at may dala pa silang bulaklak at ilang mga pagkain para sa akin. Tinanggap ko naman iyon para matapos na rin ang lahat. "Yna, lumalaki na ang tiyan mo." Sabi sa akin ni Mama ng dalawin niya kami dahil gusto niya makita si Erwan. Paminsan minsan na lang dumalaw si Mama at kung pwede ko lang sabihin na doon na lang ako tumira sa bahay ni Aero ay ginawa ko na. "Kaya nga eh. Tatlong buwan pa lang naman ang tiyan ko pero halatang halata na agad." Sagot ko sa kanya at hinimas ko ang tiyan ko sa harap niya habang umiinom ng gatas. Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayong araw na to at parang may mangyayaring masama. "Ma, pwede ba akong tumira saglit sa