"Gusto mo ba ng juice?" Tanong ko kay Franco habang isa isa niyang inaalis sa paperbag ang mga laruan. Para pala iyon kay Erwan na matagal niya ng binili. Ang pangarap niya kasi para sa kanyang kakambal ay magkaroon ng anak na lalaki pero babae ang naging panganay nito. Pero hindi naman sa lahat ng oras ay masusunod ang gusto niya kahit pa para sa ikakabuti ng tao. "Sure." Sagot niya sa akin at natapos na siya sa pag - aayos ng gamit. Panay naman ang pag - iikot niya sa bahay bago ako tumalikod, parang may hinahanap siya sa loob ng bahay ko. Marahil, hinahanap niya si Erwan para ipakita ang mga laruan dito. "Tatawagin ko lang si Erwan." Sagot ko sa kanya at pinasok ko na ang kwarto ng anak ko. Nakadapa lang ito habang binabasa ang mga librong binili ko kanina. Ayoko na sana siyang istor