"Sir, lumabas po muna kayo." Sabi ng isang nurse kay Geoffrey sa hindi niya malaman na dahilan. Nakita niya na lang nagbuhat ng isang nurse ang anak niya at dinala sa nursery room kaya sinundan niya ito para magtanong sa kung ano ang nangyayari sa kanyang asawa. "Miss, ano pong nangyayari sa asawa ko? Bakit bigla akong pinalabas?" Tanong niya sa nurse pagkatapos nitong ilapag ang kanyang anak sa isang crib. Kumuha ng ilang papel ang nurse at iniabot sa kanya. Pinagmasdan niya lang iyon at paulit ulit na binabasa pero lumalabo ang kanyang paningin dahil sa nagbabadya niyang pag - iyak. "Huminto po ang t***k ng puso ng asawa niyo." Yan lang ang naisagot ng nurse kay Geoffrey at parang binagsakan ng langit ang kanyang pakiramdam dahil ang ikinatatakot nila noon ay nangyari na. Hirap siyan