Iyak ako nang iyak pagkatapos maikwento ni Mommy at Daddy ang lahat ng katotohanan sa pagkamatay ng Ate Annika ko. Hindi ko matanggap na itinago nila ito sa akin pero sabi ni Mommy, ito ang gusto ni Ate Annika dahil ayaw niyang maging malungkot ako, kaming lahat. She planned everything…pati ang sa amin ni Troy ay planado lahat. Alam ito nina Daddy at Mommy kaya pala hindi sila masyadong galit sa akin noong nalaman nila ang nangyari sa amin ni Troy nang gabing iyon. Gusto ni Ate Annika na sa tamang babae mag-settle down si Troy bago siya mamatay. At ang ikasal sa akin ang nakita niyang pinakada-best na plano para hindi mapunta sa ibang babae si Troy dahil nga alam niyang may lihim kami ng pagtingin sa isa't isa. Ayaw niyang mapunta ito sa kung sino-sino lang kaya naman nag-playing cupid

