Naging abala ako sa pagre-review this past few months dahil sa nalalapit na third quarter exam. Kahit alam kong makakakuha ako ng mataas na marka ay hindi pa rin ako naging kampante dahil gusto ko perfect ang lahat ng score ko. Ito ang goal ko ngayong third quarter dahil noong second quarter exam ay halos perfect lahat ng score ko. Wala lang, ang sarap lang kasi sa pakiramdam na magkaroon ng perfect score at makuha iyong goal ko. Sa pagiging abala ko this past few weeks, unti-unti kong nakakalimutan ang nadarama ko para kay Kuya Troy. Naging magandang diversion ang pagre-review ko para maiwala ko siya sa aking isip. Isa pa, madalang pa sa patak ng ulan kung pumunta siya sa bahay namin kaya mas lalong maiiwasan ko ang pag-iisip sa kanya. I heard he was busy with his work. Ganoon din si A

