Paulit-paulit na nag-e-echo sa aking pandinig ang sinabi ni Ynnah na hindi niya ako gusto. I know she is just lying, I understand her. Mali nga naman ang ginawa kong pag-amin sa kanya lalo na nasa relasyon pa kami ng Ate Annika niya. I don't know why I told her about my feelings. Dapat hindi ko na lang sinabi talaga sa kanya. Dapat itinago ko na lang katulad ng ginagawa ko noon. Parang ginulo ko lang ang isip at puso ko. Pati siya maaaring nagulo ko ang damdamin niya. Baka iniisip niya na gusto ko silang tuhugin na magkapatid kaya sinabi ko sa kanya ang feelings ko. Baka iniisip niya na kunwari lang ang nadarama ko para sa kanya para makuha ko siya. Baka nga iniisip na ni Ynnah na katawan niya lang ang gusto ko kaya ako lumalapit. Dalawang beses ko siyang hinalikan kaya natatakot ako na

