Tumulak kami ni Troy patungong Baguio City kinabukasan para sa aming honeymoon. Dumaan pa kami sa bahay ng mga magulang ko para sana magpaalam ako dahil hindi ako nakapagpaalam sa kanila kahapon na simula ngayon ay doon na ako sa bahay ni Troy titira, ngunit walang tao roon nang pumunta kami. Maging si Ate Annika ay wala rin doon, nagtanong ako sa katulong kung saan nagpunta sina Daddy at Mommy ang alam ko nag-day off sila sa trabaho para makapagpahinga ngayon. Maging si Ate Annika ay alam kong naka-day off din kaya nagtataka kami ni Troy kung saan sila nagpunta. "Wala silang sinabi, hija. Basta ang alam ko madaling araw pa lang ay umalis na sila, gano'n din si Annika," ani ng katulong nang datnan ko ito sa kusina habang abala sa pag-aayos ng mga hinugasan. "Sabay-sabay po sila umalis ng

