Nanlalamig ang mga kamay ko habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Ilang oras na lang ay ikakasal na ako sa taong sa panaginip ko lang dati minamahal. Nabigyan ng katuparan ang hiling ko at sana maging maayos ang aming pagsasama. Kanina pa ako tapos ayusan ng make up artist at sobrang nagustuhan ko naman ang ayos niya sa aking buhok at ang make-up syempre sa aking mukha. Nasunod ang gusto ko na simple lang ang make-up ko dahil hindi ako sanay na maglagay ng makapal na kolorete sa aking mukha. Simple lang kasi akong mag-ayos, konting pahid lang ng manipis na face powder at lipgloss okay na ako. "Ynnah, pwede ba akong pumasok?" Mula sa labas ng pinto ay narinig kong sabi ni Ate Annika. Kumatok muna siya ng dalawang beses at saka siya nagsalita. "Sige, Ate," sigaw ko naman haba

