Nagkulong ako sa aking kwarto pagkatapos ng engkwentro namin ni Kuya Troy. Ayaw ko siyang makita at baka makasalubong ko siya sa daan. Mamaya ko na lang kukumustahin si Ate over dinner, ayaw ko munang makita ang mukha ng boyfriend niyang mahal dahil naiinis ako sa kanya. Nakakatawa lang siya. Ang galing magpayo ng iba samantalang sarili niya ay hindi niya mapagsabihan. Concern? Talaga lang, huh? Ang sabihin niya, judgemental lang siya masyado sa tao. Sabagay, sabi nga nila, galit sa kapwa babaero, ang babaero. Notorious din naman na playboy si Kuya Troy sa pagkakaalam ko. Nagbago lang ito ng maging sila ng Ate Annika. Naging loyal ito sa pagmamahal sa ate ko kaya ang laki ng paghanga ko sa kanya. But after he kissed me at his car, naisip ko na hindi pa siya nagbago, madali pa rin siyang

