"Ano ba, Troy! Bakit ka ba biglang nanghihila?!" inis na sita sa akin ni Ynnah nang makarating kami sa tapat ng sasakyan ko. Galit na binawi niya ang kanyang braso at asar na hinaplos ito. Nakita kong namula ang parteng hinawakan ko, gusto kong humingi ng tawad dahil mukhang nasaktan siya, ngunit nadala ako ng galit ko sa sinabi niya kaya hinayaan ko na lang. "Paanong hindi kita hihilahin? Tsinatsansingan ka ng lalaking iyon tapos hindi ka man lang nagagalit!" inis na sabi ko. Wala akong pakialam kung naririnig kami ng ibang estudyante na dumadaan dahil sa lakas ng boses naming dalawa. Mabuti at hindi sumunod iyong Drake dahil talagang pagbubuntunan ko siya ng galit ko kapag nakialam siya sa amin ni Ynnah. Shocked yata ang loko na malaman na fiancee ko na si Ynnah kaya hindi na siya nakas

