Umabot ng halos walong buwan ang panliligaw ko kay Ynnah pero wala pa ring magandang resulta akong nakikita. Parang nasa getting-to-know each other stage pa rin kami at hindi ako makausad. We dated a lot and I sent her a lot of gifts she likes but still I don't see that she likes my effort very much. Naiinip na nga ako dahil baka plano pa niyang paabutin ng isang taon ang panliligaw ko sa kanya bago maging kami. Masyado yata siyang nawili sa panliligaw ko na hanggang ngayon ay hindi pa niya ako naiisip na sagutin. Nag-fe-feeling dalagang Filipina ata siya at baka balak pa niyang maranasan na haranin o kaya naman ay ipagsibak ko siya ng kahoy. Siguro hindi naman, hindi naman siguro hinihintay ni Ynnah na umabot ako sa ganito para ipakitang sincere ako sa aking hangarin sa kanya. Hindi ko

