"Sir, saan ko po ilalagay ang mga bulaklak na 'to?" Nilingon ko si Mrs. Lopez na nagsalita isang metro ang layo sa akin. Napatingin ako sa bulaklak na tangan niya at malungkot na tinitigan ang mga ito. Sayang, I didn't have the chance to give it to Ynnah. Paborito pa naman niya ang mga ito at alam kong matutuwa sana siya ngayon na matanggap ang mga ito kung maayos lang kaming dalawa. Baka nga kapag sinorpresa ko siya ngayon at batiin ng happy monthsary ay malawak ang ngiti niya sa labi habang sinasabihan din ako ng 'happy monthsary at I love you'. Nakakalungkot pero hindi nangyari ang inaasahan ko. Hindi ko siya nakita sa school na pinapasukan niya kanina. Sayang ang naging effort ko dahil pati sa bahay nila ay wala siya. Tanging katulong lang ang dinatnan ko roon at sinabing wala ang mg

