Himala na bali lang sa kanan kong braso at pasa sa iba't ibang parte ng katawan ang natamo ko sa aksidente. Nakaligtas ako dahil sa modern airbag na pinalagay ko roon sa aking kotse. May use pala ang paggastos ko ng milyones. 'Yon nga lang, hindi naisalba ang aking sasakyan na mas mahal pa sa isang unit ng condo sa Manila ang halaga. Nakakapanghinayang pero mas mahalaga ang buhay ko kaya nagpapasalamat ako ng malaki sa Diyos na buhay ako at binigyan niya ng second chance. Hindi na ako nagsampa ng kaso sa driver ng truck na bigla na lang lumitaw sa intersection ng walang signal at patay pa ang ilaw. Kawawa naman kung pagbabayarin ko pa siya ng danyos. Alam kong mas namomroblema siya sa produktong nagkalat at nasira dahil sa nangyaring banggaan. "Bakit ayaw mong ipaalam sa asawa mo ang nan

