3rd Person's POV;
"Wala ng lalabas sa basement lalo kana Daimos dahil oras na malaman ko pang lumabas ka at makipagkita sa anak ng mga Lacson papatayin ko mismo sa harapan mo ang batang yun."galit na galit na sambit ng matandang lalaki na kinadilim ng anyo ng batang lalaki na ngayon ay ginagamot ng isa sa mga butlers dahil sa mga natamong sugat sa buong katawan ng batang lalaki.
---
"Parang gusto kong mambali ng leeg ngayon."madilim ang anyong sambit ng binatilyong si Daimos habang nakatingin sa dalawang taong nasa labas ng venue.
"Hi I'm Gray Aragon at ika---."
"Mawalang galang na Young Master pero sa tingin ko dapat nasa loob kayo hindi dito."nakayukong putol ng dalagita bago tumalikod at naglakad kung saan.
"Buti kung siya yun baka magtatalon pa ako sa tuwa hindi naman siya yung Aragon na hinahanap ko."pabulong bulong na sambit ng dalagita.
"kuya Daimos bumaba kana diyan pabalik na ang mga tauhan ni papa kailangan na natin bumalik."ani ng batang lalaki na si Luther habang nagtatago sa likod ng puno.
---
"Kuya king alam mo naman ang mangyayari sa batang babae pag nalaman ni papa na---."
"Alam ko yun Luther kaya wag mo ng paulit ulitin."may diing putol ng binatang si Dark na kinahilot ni Aidan ng sintido.
"Walang mangyayari kung dadaanin natin lahat ito sa init ng ulo kailangan natin mahanap ang mga ba---."
"Hindi kami pwede magparagala gala in public kaya wala kaming maitutulong diyan."sabat ni Jedal habang pretenteng nakasandal sa kinauupuang sofa.
"Hindi ko kailangan ng tulong niyo."walang emosyong sagot ni King na kinaismid ng binata.
"Putangina wag niyo ng hanapin ang mga batang yun aangas niyo eh."naiiritang sambit ni Khairo na kinatayo ni King lalabas ang binata ng harangan ito ni Aidan.
"Kuya King kahit hindi na para samin para na lang sa batang babae."sabat ni Aidan pero imbis magsalita ang lalaki nilampasan nito si Aidan n---.
"Putangina angas talaga ng gagong yun."naiinis na komento ni Killua bago hithitin ang hawak na sigarilyo.
"Hindi pa din siya nagbabago tss."komento ni Trigger habang may hawak na rubics.
"Aidan."napatingin ang binata ng hilahilahin ni Madison ang laylayan ng damit ni Aidan.
"Hindi ko gusto aura ng lalaking yun."komento ni Madison na kinaismid ng binata.
"Sino bang may gusto ganun talaga ugal---."naputol ang sasabihin ni Aidan ng nakarinig sila ng ingay galing sa parking lot.
"Magkakapatid talaga kayo parepareho kayo ng tabas ng sungay."komento ni Madison ng makitang suntukin ni Dark ang kotse ba dahilan para mabasag ang salamin at mag ingay ito dahil sa alarm.