3rd Person's POV;
"Hey pogi mag isa ka ba? Can we join?"ani ng isa sa tatlong babaeng lumapit kay Aidan ng makitang mag isa ito na kinaangat ng tingin ng binata.
"May kas---."
"Ahh!"tili ng babae ng may palakol na lang na bumaon sa mesa na kinatakbo ng ilang costumers.
"May kasama siya kaya kung gusto niyo pang lumabas dito na nakadikit pa yang ulo niyo umalis alis na kayo sa harapan ko."madilim ang anyong sambit ni Madison na kinatakbo ng tatlong babae na kinatawa ng mahina ni Aidan.
"May pambayad ka ba diyan sa nasira mo?"tanong ng binata na kinairap ng dalaga.
"Mayaman ka naman ikaw na magbayad."naiinis na sambit ng dalaga bago tanggalin ang palakol at umupo sa harap ng upuan ng binata.
"Hmm you look beautiful...akala ko nalahood ka pa din sa date natin..not bad."komento ng binata bago tingnan ang hawak na palakol ng dalaga.
"Pero yang palakol di mahiwalay sa katawan mo."dagdag ng binata na kinaismid ni Madison.
"Pft pero mas nagiging hot ka sa paningin ko pag dala mo yan kaya hindi na masama."ani ni Aidan na kinatingin ng dalaga.
"Hindi mo ba naalala kung kaninong Palakol itong hawak ko? "Tanong ni Madison na kinakunot ng noo ng binata.
"Naalala?"ulit ni Aidan na kinaiwas ng tingin ni Madison.
"Iniwan mo ito nung huli tayong magkita 18 years ago at si Nova na aksidente mong napatay siya yung anak ng halimaw na napatay mo nung araw na niligtas mo ako."sagot ni Madison na kinatigil ni Aidan.
"Haha ikaw yung bata?"tanong ni Aidan na kinakunot ng noo ni Madison.
"Anong nakakatawa d--."
"Bata palang pala tayo stalker na kita."putol ni Aidan na kinainis ng dalaga.
"Putangina mo talaga."naiiritang sagot ng dalaga aalis na ito ng hawakang ng binata ang braso nito at iupo.
"Binibiro lang kita di pa tapos date natin diba?"ani ni Aidan na kinairap ni Madison.
"Makipagdate ka mag isa!"pasigaw na sambit ng dalaga bago tuluyang tumayo hahakbang ito paalis ng---.
"Madison!"sigaw ng binata bago sunggaban ng yakap si Madison padapa ng may magpaulan sakanila ng bala.
"Argh!f**k!"mura ni Aidan ng makaramdam siya ng sobrang kirot sa braso at---.
"Madison!"halos manlamig ang buong kalamnan ng binata ng pag angat niya ng katawan ng dalaga may nakapa siyang malapot na bagay sa likuran ng dalaga.
"M-Madison."bulong ni Aidan ng makitang dugo ang nakapa niya na nanggagaling sa katawan ni Madison.
---
"Nakakahilo kana kuya Daimos tigilan mo na nga yan!"saway ni Trigger bago tingnan si Hellion na ginagaya ang kapatid.
"Putangina mo talaga kuya Hellion isa ka pa."saway ni Trigger.
"Kinuya mo pa mumurahin mo lang din naman."sabat ni Hector habang nakatingin sa cp nito.
"Nakalapag na ba ang eroplano Kuya Hector?"tanong ni Jedal na kinaangat ng tingin ni Hector.
"Niloloko mo ba ako Jedal 2 hours ago pa lang simula ng lumipad yun eroplano."ani ni Hector ng---."
"Kuya ano ba?!"saway ni Khairo ng sipain ni Aidan ang pinto ng isa sa mga kwarto sa ospital at mabutas yun.
"Oras na may mangyaring hindi maganda kay Madison gigibain ko ang buong ospital na ito."nagdidilim ang anyong sambit ni Aidan na kinatayo ni Hector.
"San punta mo kuya Hector?"tanong ni Killua.
"Sisimulan ko na gumawa ng report."bored na sagot ni Hector ng--.
"Sinong asawa ni Mrs.Gustavo?"tanong ng doctor ng bumukas ang emergency room na kinatinginan ng magkakapatid.
"Kamusta na ang asawa ko?"tanong ni Aidan na kinangiwi ng mga binata na nakaupo sa bench.
"Sa ngayon stable na ang lagay ng pasyente maya maya lang ililipat na siya ng kwarto."sagot ng doctor bago yumuko at umalis ng---.
"Mrs.Gustavo ah."parang nang aasar pa na komento ni Khairo na sinundan nina Jedal.
"Inunahan mo pa kami kuya."komento ni Hector na sinegundahan ni Trigger.
"Tigilan niyo nga ako nataranta lang ako kanina kaya Mrs.Gustavo nasabi ko!"deny ni Aidan na kinatawa ng mga lalaking Aragon.