Chapter 29

2325 Words

Ang akala ni Caren ay magkakaroon na nang away sa pagitan ng dalawang lalaki na patuloy sa pagtatagisan ng matatalim na tingin. Nai-imagine na niyang may kuryenteng dumadaloy sa mga mata ng dalawa na nagsasagupa sa gitna. Walang gustong magpatalo pero gusto parehong manalo. At halos ilang minuto na silang ganon. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang susuko. "Breakfast is ready! Pumunta na kayo ditong tatlo! Dito ka na rin mag-breakfast, Justin!" sigaw ng Mom niya buhat sa dining area dahilan para maputol ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa. At doon lang siya tila nakahinga ng maluwag dahil hindi niya napansin na pigil pala niya ang paghinga habang nanonood sa staring contest ng dalawa. "Let's go," wika ni Justin na unang pumutol sa titigan ng mga ito bago siya hinawakan sa kamay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD