Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo hanggang sa naging buwan. Halos perpekto ang naging relasyon ni Caren at CJ. Halos walang araw na hindi magkasama ang dalawa at lagi ang mga itong nakadikit sa isa't-isa. Naghihiwalay lang sila kapag pumupunta ng school ang binata pero pagkarating nito sa bahay ay magkasama na ulit sila. Maging sa bahay man iyon ng magulang ng dalaga o bahay ng magulang ni CJ. Malaya silang nagsasama sa iisang kwarto at sa iisang kama. S'yempre may permiso ng magulang nila. Iisa na lang ang kulang para matawag silang isang masaya at buong pamilya. At iyon ay ang kasal. Pero malapit na ring mangyari iyon dahil nakaplano na ang lahat ng dapat gawin ni CJ pagbalik niya sa Isla Montellano para ayusin ang lahat. Isang taon na rin lang ang bubunuin niya para siya ay makap