"Bakit sobrang bango mo ngayon? Nagpalit ka ba ng perfume? Ito na lang gamitin mo araw-araw. Gustong-gusto ko ang amoy mo these past few days," wika ni Caren dahilan ng pagkunot ng noo ni CJ. Nasa bahay niya si Caren ng mga oras na iyon at nagkataong wala siyang pasok sa school. Kadalasan ay pinupuntahan siya ng dalaga at kadalasan ay kasama nito ang bunsong kapatid pero mag-isa ito ngayon. "Huh? Pero hindi pa ako nakakapag-shower, baby. At hindi ako gumagamit ng pabango kapag nandito lang ako sa bahay. It's just my natural scent," napa-pantastikuhang anas niya kay Caren. Nasa loob ng shirt na suot niya ang ulo nito at inaamoy ang katawan niya. At hindi niya mapigilan ang makaramdam ng kiliti dahil sa ginagawa nito. Damn! He's having a f*****g boner right now! "Talaga? Pero bakit ang ban