Medyo nahihilo at pumipintig ang sentido ni CJ habang minamaneho niya ang kanyang sasakyan pabalik sa bahay. Galing na siya sa bar kung nasaan ang kambal at nagdesisyon ng umuwi dahil sa nagsawa na siyang panoorin ang kapilyohan ng kambal sa mismong harapan niya. May balak pa ang kambal na isali siya pero panay ang tanggi niya sa dalawa. Hindi naman kaya siya nagpunta doon ay para sa babae dahil pinagbigyan niya lang talaga ang kagustuhan ng kambal na lumabas sila. At iyon na ang magiging una at huling paglabas na pagbibigyan niya ang mga kaibigan dahil sa kapilyohang taglay ng mga ito. Kanina, pagkarating pa lang niya sa bar kung nasaan ang kambal ay pinapunta agad siya ng dalawa sa isang VIP room kung nasaan ang mga ito. At doon niya nadatnan ang kambal na may kasamang isang babae na pi