"Yes po, Ninong. Opo.. She's still sleeping po. Sige po, sasabihin ko na lang po sa kanya. Okay po.. Mag-iingat po kayo." Nagising si Caren dahil sa boses ni Jayvee na tila kausap ang Daddy niya. Binuksan niya ang kanyang mata at nasilayan ang binata na saktong ibinababa ang cellphone nito sa bedside table. Nakasandal si Jayvee sa headboard ng kama, topless at natatakpan ng kumot ang ibabang parte ng katawan nito. Pero siguradong siyang katulad niya ay wala rin itong saplot sa katawan dahil hindi siya tinigilan kagabi ni Jayvee. Walang sawa siya nitong inangkin at ganon ang ginagawa nito sa nakalipas na dalawang araw. Wala itong inaaksayang oras at sinusulit nito ang pagkakataon na solo siya ng kasintahan. At dahil sa mahal niya ito at gusto niya ang ginagawa ni Jayvee.. nagpapaubaya siya