Bree plastered a smile as she approached the group of men who were unloading the styro boxes. Nandoon din si Glenda at inaasikaso nito si Mr. Acuevo, natatawanan ang dalawa at mukhang nagbibiruan. Sa dami ng iniisip ni Bree nitong nakaraan nakalimutan niyang may delivery pala ngayong araw. Magaan ang loob ng mga tauhan niya kay Rostom Acuevo. Mapagbiro ito at hands-on din sa paghahatid ng mga order nila. He’s a good listener and easy to deal with. “Magandang umaga po, Miss Ocampo!” Umalingawngaw sa buong paligid ang pagbati nito sa kanya. Malapad ang pagngiti nito. Nawala sa isip ni Bree ang tungkol sa nangyari kina Lucian at Chelle. Rostom Acuevo’s smile was contagious. “Magandang umaga din po, Sir. Mukhang maaga po kayo naka-deliver ngayon.” Bree took his hand for a shake. Wala

