Puspusan ang paghahanda ng buong mansyon ng mga Samaniego para sa kasal nina Bree at Jackson. Kahit ang buong Diamond Entertainment ay walang pagsidlan ang tuwa para sa kanilang masungit na amo na sa wakas ay nakatagpo din ng babaeng kaya itong pabaitin. Masaya ang lahat dahil sa wakas ay nakatagpo na rin ng babaeng pakakasalan ang isa sa pinakamasungit na CEO sa buong bansa. Kahit na ang mga netizens ay excited na makita sa national television ang live coverage ng kasal nito. Puno ng paghanga ang mga ito sa katapangan ni Bree. Naging hot topic sa buong bansa ang nangyaring pagkidnap at pag-hostage kay Bree at nagawa nitong makaligtas sa tiyak na kamatayan. The topic was trending on all social media sites. Ang iba ay kinikilig dahil parang fairytale raw ang lovestory nina Bree at Jax

