Nilunok lahat ni ang kaniyang takot at sumama kay Jackson sa pagsampa sa isang maliit na yate. Kung may mga armadong tao sa labas ay ganoon din sa loob. “Magandang araw, boss,” bati ng isang malaking tao na may makapal na balbas. Nakakatakot ang laki ng katawan nito, idagdag pa ang isang high-powered na armas na nakasabit sa may balikat nito. Tumango lang si Jackson dito at nagpatuloy na pumasok sa loob. Nakasunod lang si Bree kay Jackson. Kung dati ay palaging nakahawak si Jax sa kamay niya habang naglalakad sila, ngayon ay hinayaan lang siya nitong sumunod sa likod niya. Malakas at amoy alat ang hanging. All of it would have been perfect, if not for the situation they’re in right now. May sumalubong sa kanila na isan ring armading lalaki. “Boss, nakahanda na ang lahat. Nasa i