Hindi na mabilang ni Bree kung ilang beses siyang nagbuga ng malalalim na buntong-hingina. Dalawanag araw na siyang hindi bumubalik doon sa resort dahil natatakot siyang baka magkrus ang landas nila ni Jackson. Malakas ang kutob niyang nasa isla na iyon lang ang lalake. “Alam mo, kanina ko pa napapansin iyang walang tigil mong pagbuntong-hininga. Ano na naman iyan?” Inilapag ni Chelle sa harap ni Bree ang isang tasa ng mainit na tsokolate. Maulan sa labas dahil may bagyo kaya nasa loob ng bahay si Bree. Bigla na lang siyang nawalan ng gana sa mga bagay noong nalaman niya ang ginawa ni Jackson. Napuno ng mga tanong ang isip niya at hindi na siya makapagtrabaho ng maayos dahil doon. At isa sa dinadala niya ay hindi pa alam ni Niel ang tungkol sa pagligtas ni Jax kay Lennox. Wala iton

