Nanlaki ang mga ni Bree nang hindi tumigil ang katok sa pinto. Sunod-sunod ito at tila walang balak tumigil ang sino mang nasa likod ng pinto na iyon. ''Mr. Samaniego.'' Si miss Cindy iyon! Umalis siya sa office table ni Jackson at mabilis na sinuklay ang buhok gamit ang sariling daliri. Paano niya ba aayusin ang sarili? Baka nagkalat pa ang lipstick niya sa buong mukha! Nakakahiya iyon kapag nakita ni miss Cindy! Bumaling siya kay Jackson nang marinig niya ang mahina nitong tawa. When she looked at him, a pretty and genuine smile was plastered on his face. Maaliwalas ang mukha nito. Now she can see emotions on his face. Madalas kasi walang emosyon ang mukha nito. Bree stared at him for a moment, taking in Jackson's fresh look. He looks calm and sirene. Wala iyong madalas niyang n