Love is unconditional, but is it right to let the person you love hurt you? It is right to endure? Or just let it go? Hindi na mabilang ni Bree kung ilang beses na siyang napabuntong-hininga. Kanina pa masama ang loob niya, pati na rin ang pakiramdam niya. Gusto niya na lang sana magtago sa k’warto pero ang buwesit na Elise ay hindi talaga siya tinantanan. “Bakit ang tagal mo? Ang kupad-kupad mo naman! Alak lang iyong pinakuha, ang tagal mo pa!” singhal ni Elise nang makabalik si Bree dala ang mga alak na request nito. Nagtawanan ang mga imbitadon nitong mga bisita, tatlong babae at tatlong lalake. Umikot ang mga mata ni Bree. “Hindi ako katulong dito, Elise. Kung nagmamadali ka,ikaw mismo ang kumuha doon sa loob.” Padabog na inilagay ni Bree ang isang tray na may nga alak. Naghiy