Sinipat ni Bree ang itsura sa full-lenght body mirror. Kanina pa siya papalit-palit ng damit na susuotin pero hindi niya talaga gusto ang kinalalabasan ng itsura niya. Para siyang balyena! Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilin ang pagluha. She hates this feeling. Iyong pakiramdam niya ay ang pangit niya, tingin niya sa sarili ay isang siyang hippopotamus. “Ang pangit ko talaga,” naiiyak na bulong niya sa sarili. Idagdag pa ang hindi niya katangkaran na height at napakalaki na tiyan niya, gusto na lang talaga ni Bree magtago sa silid niya at huwag na lumabas kahit kailan. Kabuwanan na niya ngayon kaya sobrang laki na ng tiyan niya, hirap na hirap na siya sa pagkilos at hingal na hingal siya. Hindi naman siya ganito noong pinagbubuntis niya si Lennox. Hindi naman siya naba

