Chapter 66

1629 Words

Kagat ni Bree ang mga labi habang tinatanggap ang kahon na pinadala ni Jackson. Si Rex ang naghatid niyon at umalis din kaagad pagkabigay nito kay Bree. “Ano iyan, anak? Mukhang napapadalas yata ang pagbibigay ng mga regalo ng lalakwng iyon sa’yo?” Si aling Oping. Katatapos lang kasi nitong mamalengke at naabutan nito si Rex. Namula ang mga pisngi ni Bree. Napansin pala ni aling Oping ang madalas na pagpapadala ni Jax ng mga regalo at pagkain, iyon nga lang ay hindi nito personal na ibinibigay ni Jax kay Bree. Ano ba ang sasabihin niya sa matanda? Na hindi naman si Rex ang nagbibigay ng mga iyon kung hindi ang sariling amo niya? “Hindi naman, aling Oping.” Iyon na lamang ang isinagot ni Bree at umakyat ng sa itaas para tingnan ang ipinadala ni Jax. Alam ni Bree na damit iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD