Nagpupuyos ang galit ni Elise nang ipakita sa kaniya ng kaniyang sekretarya ang isang video na viral ngayon sa mga social media sites. Marahas na nagtaas-baba ang kan’yang dibdib sa sobrang emosyon na lumulukod sa puso niya. Ang kamay niya ay nanginginig at namamawis at namuo ang luha sa mga mata niya. “How dare you!” She gritted her teeth. Hindi siya papayag na basta-basta na lang siyang ibabasura ni Jackson at ipalit ang babaeng iyon sa kanya. Her family expected their marriage by the end of this year, she can’t make herself a fool in front of them. “Mga walang hiya! Hindi ako papayag na iyan ang ipapalit mo sa akin!” Elise shrilling voice erupted inside her office. Nawalan ng malay ang sekretarya niya at hindi ito makakilos sa kinatatayuan nang makita ang galit ng amo. Wi