''Punta tayo mamaya ha? Please?" Pinagdikit ni Chelle ang dalawang kamay at nagmakaawa kay Bree. Napailing na lamang si Bree. Wala siyang balak na pumunta dahil ayaw niyang malasing. Sigurado kasi kapag sa bar ang pupuntahan ay paiinumin siya ng mga kasama. Baka mangyari ulit iyong nagising siya sa isang silid na hindi pamilyar sa kanya. Bree shivered at the thought that some stranger brought her there. Suwerte siya dahil hindi siya nito pinagsamantalahan. Paano kung maulit iyon? At hindi na siya kasing s'werte gaya noon? Ipinagpatuloy ni Bree ang ginawang pag-type sa computer. She's encoding the list of guests who are invited for the company's anniversary party. Nagdabog na bumalik si Chelle sa mesa nito at padabog na nag-arrange ng mga gamit. Hindi maiwasan ni Bree na matawa