“Masaya ako para sa’yo, boss. Sa wakas binata ka na rin, marunong ka nang manligaw!” bulalas ni Rostom. Minamaneho nito ang pickup truck ni Jax patungo sa resort ni Bree. Maghahatid sila ng stocks ngayon at kanina pa napapansin ni Rostom ang pagtutok ni Jax sa kan’yang cellphone. Jackson has been texting Bree since last night. Hindi siya mahilig mag-text dahil sanay si Jackson na palaging tinatawag ang lahat ng trasaksyon niya. Well, he used to text her a lot when she was still working with him. Naulit na naman ngayon. When he sent a message last night, he didn’t expect her reply. Gusto niya lang mapanatag ang loob kaya nag-send siya ng mensahe. Imagine how his heart leaped when he saw her message. Hindi pinansin ni Jackson ang pang-aasar ni Rostom. He’s such in a good mood today.

