Naalimpungatan si Bree dahil sa matinis na boses ng isang bata. She can’t open her eyes because she felt she wanted to p**e. Pero gising na ang diwa niya at alam niyang nasa bahay niya si Lennox. Kung sino man ang nagdala ng anak niya rito ay hindi niya alam. Siguro si Tyler dahil sa mansyon ito natulog kagabi. Naramdaman ni Bree ang paglundag ng kama niya kasabay ng pagyapos ng maliliit ng mga braso sa kanyang leeg. “Mama! Home na po ako!” Lennox shouted at the top of his lungs, and Bree winced because his voice rang in her ears. “Baby, your home. Si tito Ty ba kasama mo?” Bree opened one of her eyes to look at his son beside her. Malakas itong tumango. “Opo! At nakausap ko si tito Jax. nandito pala siya!” Lennox sounded so happy at the mention of Jackson’s name. “Sabi ni tito Jax

