Ang alam ni Bree ay gabi na. Hindi man lang siya itinali si Chris, kaya mas lumaki ang pag-asa ni Brew na makatakas siya mamaya. Hindi siya binigyan ng pagkain kanina, siguro para manghina siya. Pero hindi iyon hadlang para kay Bree, mahinap malakas ay tatakas siya sa lugar na ito. Alam niyang ito na ang magiging lugar kung saan siya babawian ng buhay kung hindi siya tatakas ngayon. Noong umalis si Chris kasama si Chelle na walang imik ay hindi na bumalik ang mga iyon, ilang oras na din ang lumipas. Ang tanging ipinagdarasal ni Bree ay sana hindi na bumalik si Chris para may tyanaa siyang makatakas ngayon. Mayroong tatlong lalake na nagbabantay sa loob ng silid. Good thing she's not tied. Mas madali sa kanya ito. Inilibot ni Bree ang tingin sa buong silid. Walang gamit, mayroong

